Photo Source: sabong.net.ph Kapag naririnig natin ang salitang ‘tiangge’, ano agad ang unang pumapasok sa ating isipan? ‘...
![]() |
| Photo Source: sabong.net.ph |
Kapag
naririnig natin ang salitang ‘tiangge’, ano agad ang unang pumapasok sa ating
isipan? ‘Di ba’t mura ang mga bilihin dito kumpara kumpara kung bibili ka sa
mall? Pero hindi lang naman nakalimita sa mga damit, pantalon, sapatos, bag,
etc. ang mayroon sa tiangge. Mayroon din kasing tinatawag na tiangge ng manok
kung saan ay mura rin ang mga itinitindang manok kumpara kung bibili ka sa mga farm.
Maraming
tianggean ng manok sa Pilipinas, kahit nga sa Bacolod ay mayroon nito.
Matatagpuan ito sa may Smith Central Market. Ang sabi ng iba, para makatawad ay
mas mabuti na mayroon kang kasama na taga-roon. Hile-hilera silang mga
nagtitinda roon. Puwede mo pang i-spar kapag gusto mong makita ang laro ng
manok. Hindi mo naman masasabing mahihinang klase ang mga manok na naroon dahil
Bacolod nga ito na kilalang lugar na tahanan ng magagaling na magmamanok.
Idagdag mo pa ang ganda ng klima ng kanilang lugar na magandang pag-alagaan ng
manok.
Kung
dito lang naman taga-Metro Manila ka, hindi mo na kailangan pang lumayo dahil
mayroon ding tiangge ng manok sa may palengke ng Munoz, Quezon City. Marami
rin silang nagtitinda ng mga manok doon. Mayroon din sa Hulong Duhat, Malabon. Kung taga-Gitnang Luzon ka naman ay mayroon sa Bocaue, Bulacan.
Siyempre
pa, ‘di puwedeng kalimutan ang Batangas dahil maraming tiangge ng manok doon na
matagal na nag-u-operate. Ang mga ito ay matatagpuan sa may parteng Padre
Garcia, Tanuan, Rosario, Sto. Tomas at sa may Lipa. Magaganda rin diumano ang
klase ng mga manok na ibinbenta rito. Hindi naman siguro magtatagal ang
kanilang tianggean kung kakaunti lang ang mga tumatangkilik.
Oo,
sabihin na natin na ang mga manok na binibili sa tianggean ng manok ay simple
lang kung ikukumpara sa sinasabing de kalidad na manok galing sa mga trusted at
kilala ng mga breeder. Pero ‘di kaya ng budget ng ilang nating mga kababayan ang
kumuha ng mataas na presyo ng manok. Kaya nga sa tiangge ang takbo nila. Kahit sa labas nga ng ilang sabungan ay may ibinibenta ring manok. Pero
alam n’yo ba na ang mga bigtime breeder ay dati ring bumibili ng mga manok na
nasa bayong lang? Ito ay noong ‘di pa ganun kalaki ang kanilang pangalan sa
industriya ng sabong.
Sinasabing
sa sabong ay mayroong pagkapantay-pantay, pareho itong ini-enjoy ng malalaki at
maliliit na mga magmamanok. Kaya’t ‘di dapat maliitin o ikahiya kung galing man
sa tiangge ang iyong manok. Pero kung sa malalaking palaban gagamitin ang manok
ay ibang usapan na ‘yun.

COMMENTS