Photo Credit: Arnold Lopez Youtube Channel Bagama’t nasa mahigit dalawang libo na ang sabungan sa buong Pilipinas ay ‘di ...
![]() |
| Photo Credit: Arnold Lopez Youtube Channel |
Bagama’t
nasa mahigit dalawang libo na ang sabungan sa buong Pilipinas ay ‘di pa rin
nawawala ang iligal na sabong na kung tawagin natin ay tupada. Sa ilang lugar
ay mayroong tupada kada-linggo habang sa iba naman tuwing araw ng fiesta ay
maluwag silang nakakapagsabong dahil may basbas ni kapitan.
Mayroon
tayong nakausap na nakakapagpa-tupada siya dahil may permiso o lagay siya sa
kanilang barangay. Paano nga naman nila ito huhulihin? Maliban na lang kung mahina
ang kapitan sa kapulisan tiyak na lulusubin din ito.
Isa
lang ang sigurado, masarap magtupada dahil ang manok na inaalagaan mo lang sa
bakuran mo na paisa-isa lang naman ay mailalaban mo. Kapag nanalo ka ay sikat
mo sa lugar mo at nagkakainteres pa na bumili ang ina sa iyo. Ang maganda sa
tupada, wala nang entrance at entry fee gaya sa sabungan. Wala ring minimum ang
taya. Saka ang mga parukyano ay mga kalugar n’yo lang at may pailan-ilan ding
mga dayo. Dahil karamihan ay kakilala mo; kapag may nandaya ay alam mo kung
saan pupuntahan. Kumbaga, wala itong ligtas. Siyempre, takot lang na gumawa ng
kalokohan ang mga dayo.
Masaya
rin namang magtupada. Kung ano’ng aksyon sa loob ng sabungan ay ganito rin
naman sa tupada. Maingay din kapag nagpupustahan at saglit na matatahimik kapag
nagsagupaan na ang mga manok. Tapos bigla na namang iingay dahil itsi-cheer ang
manok na pinustahan. Magkahalo ang excitement at kaba ‘ika nga. Ang maganda pa,
ang natalong manok ay magiging bihag mo. Eh, ‘di may pang-ulam pa. Maliit lang
naman ang pustahan sa tupada. Pang-masa kasi ito. Maliban na lang sa ilang
lugar na malakasan ang taya kahit tupada lang.
Hindi
rin naman maaaring tawaran ang mga manok na makikita sa tupada dahil magaling
din. ‘Di ba’t sinasabi na ang mga backyard breeder na rin ay maalam sa
pagmamanok? Pero kantyaw naman ng iba sa derby nila ilaban ang manok na nasa
tupada. Ewan na lang nila kung makasabay pa ang mga ito. Pero
ipinagkikibit-balikat na lang ito ng mga nagtutupada. Ang importante kasi sa
kanila ay nag-i-enjoy sila sa kanilang ginagawa. Isa pa, nagsisilbi itong
bonding ng mga magkakaibigan, magkakapitbahay o magkakalugar. Dahil sa tupada
ay mas lalong tumitibay ang kanilang samahan.
Kung
nagtutupada ka, marahil ay naranasan mo na ring tumakbo habang hinahabol ng
pulis. Kanya-kanya ng puslit. Mayroong makatakbo akala mo atleta dahil sa
bilis. Oo nga naman mahirap na ang maabutan dahil kailangan pang magpiyansa
kapag nakulong. Hassle nga naman. Mayroon pa nga dumadaan sa bubong ng
kapitbahay para lang makatakas. Mayroon ding nagtatago kung saan para lang ‘di
makita ng pulis.
‘Di namin inirirekomenda ang tupada dahil labag nga
ito sa batas dahil walang nakukuhang buwis dito ang gobyerno. Pero ‘di rin
naman maikakaila ang katotohanan na nagkalat ito saan mang lupalop ng
Pilipinas. Patunay lang na napakaraming nagmamanok sa Pilipinas at gagawin ang
lahat para lang mairaos ang hilig, mapa-sabungan man o sa tupada!

COMMENTS