Magkakaalaman na kung sino ang magiging kampeon sa 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock Interna...
Magkakaalaman na kung sino ang magiging kampeon sa 2018
World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby. Nakatakda kasing ganapin
ngayong araw (January 21) ang grand finals ng prestihiyosong sabong na ito sa Newport Performing
Arts Theatre of Resorts World Manila.
Thirty
four (32) entries ang maglalaban-laban ngayong grand finals o may kabuuan na
apat na laban. Magsisimula ito sa ganap na ika-tatlo ng hapon (3pm).
Nagsimula
ang unang bahagi ng WPC ngayong taon nito lang January 14. Naging highlights pa
nito ang pagkakaroon ng tinatawag na Battle of Champions noong January 18. Nagkaroon dito ng one day 6-cock derby at
naglaban din ang Pitmasters Group Pilipinas kontra BB San Roque USA kung saan
ay nanalo ang Team USA.
Ang mga
nakakuha ng perfect 5 pointers ay ang mga entry na Arrogate (Rolly
Gabon/Christian Octaviano), RJM NJJR (Rj Mea/Narwin Javelosa), Pastilan April 7
Baybay City (Atty. Arcal Astorga), Taong Grasa 1 (Bumbay, Gerry Teves) at R
Star EP (Boyet & Grace Sison).
Samantalang
ang mga nakakuha naman ng 4.5 points ay ang mga entry na Franzopia (Hermie Pagtalunan), Fafafa
Gamefarm (Femie Medina), LG/JU February 13 NCA 6cock (James Uy/Liloy Go) at San
Juan MOA (Vice Anthony Marasigan/Ting Coscolluela).
Marami
rin ang nakakuha ng 4 points kabilang na ang mga entry na Jade Red (Arman
Santos), Super Striker - AAO – 1 (Mayor Nene Aguilar / Gerry Ramos), CPB – JB
(Gov. Claude Bautista), San Roque BB1 (Joey Delos Santos) at iba pa.
Ang WPC
ay pinangungunahan nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea, Sonny Lagon
Gov. Eddie “Bong” Plaza, sa tulong nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa,sa
pakikiisa ng Resorts World Manila kasama ang Thunderbird Platinum at Thunderbird Bexan
XP na nagsisilbing gold sponsor.

COMMENTS