Humihingi ng tulong sa pamamagitan ng www.gofundme.com si Natasha Capay, kapatid ni Damon Yorkm...
Humihingi
ng tulong sa pamamagitan ng www.gofundme.com si Natasha Capay, kapatid ni Damon
Yorkman na maiuwi ang labi nito pabalik sa USA. Namatay si Yorkman noong
January 14, 2018 dahil sa atake sa puso. Nandito siya sa Pilipinas nang manyari
ito para lumaban sa 2018 World Slasher Cup 9 Cock International Derby.
Ayon
kay Natasha, nang magsimulang magkaroon ng kumplikasyon si Yorkman ay dinala
ito sa opsital at doon ay inatake siya at ‘di na nakaligtas.
Ang
kanyang kapatid ay may anak na tatlo; isa itong mapagkumbabang tao, tapat at
masipag. Siya ang tipo na tao na maaari mong kaibiganin sa pamamagitan ng
manok. Talagang mahal nito ang pagmamanok at dito na niya ginugol ang kanyang
buhay.
Nabigla
diumano sila sa biglaang pagkawala ni Yorkman at nag-iwan ito ng mabigat na
pakiramdam sa kanilang pamilya at malalapit na mga kaibigan. Kasalukuyan nilang
sinusubukan na maiuwi ang labi ni Yorman sa Kauai para mabigyan ito nang maayos
na libing. Magastos at mahabang proseso raw ang kinakailangan bago ito maiuwi.
Kaya’t humihingi siya ng donasyon sa mga nais tumulong na maiuwi ang labi ng
kanyang kapatid.
![]() |
| Post ni Natasha Capay sa Go Fund Me |
Target
ni Natasha na makalikom ng 10 thousand dollars, habang isinusulat ang
artikulong ito ay nasa 285 dollars pa lang ang nalilikom. Narito ang link ng
campaign- https://www.gofundme.com/bring-damon-home


COMMENTS