Dalawang entries ang itinanghal na kampeon sa katatapos lang na 2018 World Pitmasters Cup International derby na ginana...
Dalawang
entries ang itinanghal na kampeon sa katatapos lang na 2018 World Pitmasters
Cup International derby na ginanap sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts
World Manila mula January 14 hanggang 21.
Ang
naunang nagkampeon ay ang SAN JUAN MOA ni Anthony Marasigan at ang sumunod
naman ay ang R STAR EP nina Boyet at Grace Sison. Pareho silang nakakuha ng 8.5
points.
![]() |
| Anthony Marasigan |
Si Anthony Marasigan ay dating naglingkod bilang vice mayor
sa San Juan Batangas. Habang si Boyet Sison naman mula sa pamilya ng may-ari ng
D’Jade Agrivet Supply sa Bacolod. Minsan na ring naging co-champion sina Boyet
Sison at Grace Sison noong nakaraang November sa World Pitmaster’s Cup Master
Breeders-2 9-Stag International Derby.
Ang WPC ay pinangungunahan nina
Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea, Sonny Lagon Gov. Eddie “Bong” Plaza,
sa tulong nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa,sa pakikiisa ng Resorts World
Manila kasama ang Thunderbird Platinum
at Thunderbird Bexan XP na nagsisilbing gold sponsor.



COMMENTS