Sadyang lalong sumisigla at lumalakas ang industriya ng sabong sa bansa. Lalo kasing duma...

Sadyang lalong sumisigla at lumalakas ang industriya ng sabong sa bansa. Lalo kasing dumarami ang mga pasabong kabilang na rito ang malalaki. Hindi rin pahuhuli ang DIGMAAN 11 Stag Derby kung palakihan ng papremyo ang pag-uusapan. Ang kanilang guaranteed prize ngayon ay tumataginting na 60 million pesos.
Ang pot money sa DIGMAAN ay abot-kaya lamang dahil ito lang ay nagkakahalaga ng 12 thousand pesos. Ang magkakampeon ay makatatanggap ng 24 million pesos at 1 brand new Ford Ranger XLT 4x2 na nagkakahalaga ng mahigit 1.2 million pesos. Kung higit sa isa ang manalo, ang manok na pinakamabilis na nanalo ang makakakuha ng sasakyan.
Gaya nang makikita sa poster ng DIGMAAN, maganda rin ang premyo na naghihintay sa magiging runner up at makakakuha ng 10 points hanggang straight 3 (elims only). Maging ang handler at gaffer din nang magkakampeon na grupo ay maganda ang premyo na makukuha. Kaya’t talaga namang kaabang-abang kung sino ang mananalo sa prestihiyosong derby na ito.
Ang DIGMAAN derby ay inuorganisa ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (DIGMAAN), Inc., sa pamumuno ni Wilson Ong. Nakatadang ganapin ang grand finals ng kanilang pasabong sa December 18 sa Smart Araneta Coliseum.
COMMENTS