Ang organizer ng International Gamefowl Festival ay nag-iimbita sa lahat ng sabungero na dumalo ...
Ang organizer ng International Gamefowl Festival ay
nag-iimbita sa lahat ng sabungero na dumalo sa kanilang ikalimang expo. Ito ay
gaganapin sa SMEX Convention, Manila mula Enero 12-14, 2018.
Maraming
inihanda ang organizers para sa mga dadalo kabilang na rito ang pag-showcase ng
mahuhusay at de kalidad na produkto na may kinalaman sa manok-panabong. Narito
rin ang ilan sa mahuhusay na gamefowl breeders sa bansa. Pagkakataon na ito
para sila ay makasalamuha at makakuha ng materyales mula sa kanila.
Siyempre
pa, ‘di rin mawawala ang naggagandahang mga modelo. Magkakaroon din ng
seminar at pa-raffle kung saan ay makakakuha ng papremyo na manok at iba pa.
Bukod pa sa mga nabanggit ay magkakroon din sila ng
Bitawang Bayan. Pumunta lang diumano sa IGF 2017 at dalhin ang inyong
pinakamagaling na panabong at magparehistro sa IGF Grand Bitawan Bayan 2018.
Ang unang 30 parehas lamang ang maaaring makasali. Ang pagpaprehistro ay
magsisimula ng 10:00 am sa Enero 14. Magsisimula ang Bitawan Bayan sa ganap na
1:00 pm.
O,
ano mga kasabong, markahan na ang inyong kalendaryo para ‘di makalimutan kung kalian
gaganapin ang IGF!


COMMENTS