Sadyang kapana-panabik ang magiging resulta ng BAKBAKAN 2017. Kapag nagkampeon kasi rito an...
Sadyang
kapana-panabik ang magiging resulta ng BAKBAKAN 2017. Kapag nagkampeon kasi
rito ang sinuman ay magiging bahagi na siya ng kasaysayan ng sabong sa
Pilipinas. Dito sa BAKBAKAN hindi lang mga bigtime breeder ang sumasali kundi
pati na rin silang maliliit na breeders.
Kamakailan
ay inilabas ng Federation of International Gamefowl Breeders Association
(FIGBA) ang mga entries na nakapasok sa finals. Sila ang mga nakakuha ng 7
straight points at 6.5 points.
Sixty
two (62) entries ang nakakuha ng 7 straight points kabilang na rito ang mga
sabong star na sina Patrick Antonio at Charlie ‘Atong’. Si Atong ay minsan nang
naging solo champion sa BAKBAKAN, ito ay noong 2015.
Samantalang
31 entries naman ang nakakuha ng 6.5 entries kabilang na rito si Paolo Malvar
na bumida ngayong taong ito matapos na magkampeon si Gene Perez sa World
Pitmasters Cup Master Breeders Edition.
` Sa
ngayon, wala pang inaanunsiyo ang FIGBA kung kalian gaganapin ang grand finals
ng BAKBAKAN.
Abangan
kung sino o sinu-sino ang mananalo sa mga nasa listahan…



COMMENTS