May mga tao talaga na ayaw sa manok lalo na't kung manfighter ito. Siyempre, masakit yata ang matuka o mapalo ng manok. Mayroon ngang...
May mga tao talaga na ayaw sa manok lalo na't kung manfighter ito. Siyempre, masakit yata ang matuka o mapalo ng manok. Mayroon ngang isang breeder na nagkuwento na noong una ay ayaw niya ng manok. Noong bata pa siya ay sinisipa-sipa lang niya ang manok kaya't 'di niya akalain na magiging magmamanok pala siya pagdating ng araw.
Kumakalat ngayon ang video ng isang bata kung saan ay makikita na kinakarate o sinisipa-sipa niya ang manok. Pero 'di naman tinatamaan ang manok dahil nakakailag. Ganun din naman ang manok 'di rin makatama sa bata. Hanggang sa madulas na lang ang bata, pagkatapos niyang tumayo ay ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
Maraming mga natawa sa naturang video dahil mayroon pang background music na umakma naman sa labanan ng bata at ng manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS