Likas na sa mga tandang ang tumilaok. Para sa mga sabungero ito ay tila musika sa pandinig. Samantalang para sa iba, ito ay nagsisilbing ...
Likas na sa mga tandang ang tumilaok. Para sa mga sabungero ito ay tila musika sa pandinig. Samantalang para sa iba, ito ay nagsisilbing lang na alarm clock sa umaga.
Usap-usapan sa social media ang kakaibang manok dahil napakahaba nitong tumilaok. Ang karaniwang tandang kasi kapag tumilaok ay sasandali lang at paulit-ulit. Pero ang isang ito isang tilaukan ay aabutin na kung ilang segundo. Para bang hindi nagagasgas ang lalamunan at nauubusan ng hangin sa katitilaok ng manok na ito.
Kung may paligsahan lang nang pahabaan ng tilaok, siguro ay panalo na ang manok na ito. 'Yun ay kung may kagaya nga ang manok na ito.
Panoorin ang video:
COMMENTS