Gaya nang ating pagkakaalam, ang manok-panabong ay isinilang para maging mandirigma. Kapag nakakakita sila ng kanilang kauri, bigla na ...
Gaya nang ating
pagkakaalam, ang manok-panabong ay isinilang para maging mandirigma. Kapag
nakakakita sila ng kanilang kauri, bigla na lang silang nag-aaway. Hindi natin
ito mapipigilan dahil natural na ito sa kanila. Maaari lang siguro natin itong
mapigil kung maaaliis natin sa kanilang dugo ang pagiging agresibo o pagiging
palaban. Pero paano natin ‘yung gagawin. Kahit i-cross mo sila sa native na
manok ang native pa ang tumatapang. Kaya nga’t kapag nagiging stag na ang manok
na lalaki ay inihihiwalay na natin sila sa isa’t isa dahil siguradong may
mapipinsala sa kanila.
Pero sa ilang
pagkakataon, kahit sisiw pa lang ay nagiging palaban na sila. Gaya na lang nang
makikitang video na kumalat sa social media na kahit kahit sisiw pa lang ay
makikitaan nan g gameness. Napaka-cute tingnan kapag mga sisiw ang naglalaban.
Alam na nila siguro ang kanilang magiging papel sa hinaharap kaya’t habang
maaga pa lang ay inilalabas na nila ang kanilang katangian.
Panoorin ang video:

COMMENTS