Minsan ay 'di maiiwasan ang panghahabol ng manok sa tao. Mabuti sana kung sa farm lang ito, paano kung sa sabungan na ...

Minsan ay 'di maiiwasan ang panghahabol ng manok sa tao. Mabuti sana kung sa farm lang ito, paano kung sa sabungan na at may tari na ang manok. Kaya't kailangan talagang maging listo sa lahat ng oras dahil kapag nagkataon ay matatamaan ka ng tari. Marami nang nangyaring ganitong insidente sa mga sabungan sa Pilipinas.
Pero hindi lamang sa Pilipinas mayroong manok na nanghahabol sa tao kundi pati na rin sa iba pang bansa na mayroong sabong. Sa video na mapapanood ay tinipon ang mga insidente nang panghahabol ng manok sa tao. Mabuti na lang at wala ni isa mang tinamaan. Tingnan natin kung ano ang ginawa ng mga sabong afficionados na naroon sa mga sabungan na pinangyarihan. Malamang napatakbo o napatalon na lang sila sa pag-iwas sa manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS