Iba't iba klase ng mga sabungero ang mayroon tayo. Ito ang ginawan ng parody video ng video maker ...

Iba't iba klase ng mga sabungero ang mayroon tayo. Ito ang ginawan ng parody video ng video maker na si Jefford Balote. Nand'yan ang mga Beterano na pinapausukan pa rin ang kanilang manok. Nariyan din ang Affected na masyadong emotional kapag nakikita nilang napapalo ang kanilang manok. Para bang pati sila ay napapaaray. Masyado rin silang malikot kapag nanonood ng sabong. Nariyan din ang mga The Ulutero na taga-ulot ng manok. Alam n'yo naman d'yan kanya-kanya ng style para makakuha ng katapat ang kanilang manok.
Bukod sa mga nabanggit nariyan din ang The Sambot, Sentensyador, The Buwenas, The Malas, The Doctor, The Kristo at The Manager. Alin ka sa mga nabanggit, kasabong?
Panoorin ang video:
COMMENTS