May mga manok na tumatakbo sa laban. Sinasabing ilan sa dahilan nito ay baka 'di pa handang lumaban ang manok. Puwede rin na...
May mga manok na tumatakbo sa laban. Sinasabing ilan sa dahilan nito ay baka 'di pa handang lumaban ang manok. Puwede rin naman na baka nailaban na ito noon at na-trauma na. O baka naman 'di pa ganung tapos maglugo kaya masakit pa ang katawan. Kaya't kapag tinamaan ng palo ng kalaban, imbes na lumaban ay mapapatakbo nga ito.
Isang derby sa ibang bansa ang nag-viral dahil tumatakbo o pilit na umiiwas ang isang manok. Bagama't makikita rin namang lumalaban ay halatang nangangayaw ito. Sabi nga ng mga nakapanood sa video ay parang si Mayweather ang style ng manok na magaling umatras kapag sinusugod na ni Manny Pacquiao noong sila ay magkaharap sa boxing ring.
Panoorin ang video:

COMMENTS