Ang sabong ay napakagandang sport dahil nagsisilbi itong equalizer sa pagitan ng mahihirap at mayayamang tao. Kapag nasa sabungan ka, h...
Ang sabong ay
napakagandang sport dahil nagsisilbi itong equalizer sa pagitan ng mahihirap at
mayayamang tao. Kapag nasa sabungan ka, hindi ka tatratuhin na parang iba
bagkus ay ituturing kang isang kaibigan o ‘di-kaya’y parang kapatid. Para bang
mayroong namumuong kapatiran sa hanay ng mga maginoong sabungero. Kapag
sabungero kasi, hindi ito marunong manghamak ng iba, welcome ang lahat ‘ka nga.
Kaya nga komportable na pumunta sa sabungan dahil feel at home ka.
Ang maganda pa, hindi
natin pinipersonal ang ating mga kakumpetensya. Alam natin na ang sabong ay laro
lamang. Manok lang naman natin ang naglalaban at hindi mismong mga tao. Kaya’t
bakit magkakaroon ng samaan ng loob at awayan? ‘Di ba’t pagkatapos ng laban ay
makikita pang nagkakamayan ang magkabilang panig tanda nang pagiging sportsmanship.
Kahit isa kang small time breeder ay puwede
mong makatapat ang mga bigtime breeders. May posibilidad na matalo mo sila
depende na rin sa husay ng iyong manok. Kapag nagkaganun, ang sarap isipin na
tinalo mo si idol sa isang laban. Pero kahit ‘di ka man manalo, isa ng
karangalan ang makatapat mo sila. Lalong lalakas ang loob mo na kahit sino pa
ay makatapat mo sa susunod ay ‘di ka matatakot sa kanila.Total naman ay malaki
ang tiwala mo sa iyong manok.
‘Di maiiwasan na may
mga tao na kokontra at magsasabi na walang pagkapantay-pantay sa sabong. Ayon
sa kanila, para kang nag-iilusyon at nanaginip nang gising. Ang lipunan diumano
ay idinisenyo na tatsulok. Ang mayayaman ay laging nasa itaas at ang mahihirap
naman ay parating nasa ibaba. Kaya nga raw may VIP area sa loob ng sabungan.
Doon pa lang daw ay mayroon nang ‘di pagkapantay-pantay. Kumakain ang mga VIP
sa special room na inilaan sa kanilang ng management ng sabungan. Makakaya
nilang pumusta ng malaki kada sultada habang ang masa ay hindi sila kayang
tapatan.
Kung iisipin, hindi
naman kasalanan ng mga bigtime sabungero na ipinangak sila na may gintong
kutsara sa labi. May pera sila kaya’t magagawa nila anuman ang kanilang
gustuhin. Ang mahalaga, parehong ini-enjoy ng mahihirap at mayayaman ang
sabong. Hindi iniinsulto nang mas may pera ang simpleng mananabong kaya’t
masasabing dito ay nagkakaroon na pagkapantay-pantay.
Hindi alam ng mga
kritiko, na kapag isa kang sabungero ay napakadaling lapitan nang maiimpluwensyang
tao gaya ng mga sabungerong pulitiko. Kapag sa opisina mo kasi pupuntahhan ay ‘di
mo sila basta malalapitan. Kailangan, mayroon pang mamagitan bago mo sila
makausap. Pero kapag nalaman nila na ikaw ay isang sabungero siguradong
aasikasuhin ka nila agad. Basta’t may kasamang chicken talk, game ang mga ‘yan.
‘Yan ang kapangyarihan
ng sabong!

COMMENTS