Ang sabong ay ‘di lang isa basta isang sport kundi may kuneksyon din ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Mayroon itong epekto sa ...
Ang sabong ay ‘di lang
isa basta isang sport kundi may kuneksyon din ito sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Mayroon itong epekto sa ating personalidad kung paano tayo makitungo
sa ibang tao o kung paano natin tinitingnan ang mga pangyayari sa ating paligid.
Bilang isang sabungero, hinuhubog ang ating pagkatao sa hanay na ating kinabibilangan. Nailalapat
natin ito kung paano natin tratuhin ang ating kapamilya, katrabaho, mga
kaibigan, kapitbahay o kung sinumang tao na nakasasalamuha natin.
Ang tunay na karakter
ng sabungero ay napakalayo sa inilalarawan ng mga kritiko na kapag sabungero
raw ay siguradong sugarol at umiibig sa karahasan. Sa katotohanan, ang mga sabungero
ay maginoo at tapat na tao. Hindi lamang tayo tapat sa sabungan kundi dala-dala
natin ito hanggang paglabas. Kaya’t napakadali nating makuha ang tiwala ng
ating kapwa lalo na kapag ito ay gaya rin nating sabungero.
Sa sabungan nga ay nagagawa nating magpakawala
ng pera nang walang pinipirmahan o pinanghahawakang kontrata. Salitaan lang at senyasan
lang ng mga kamay ay sapat na. Pero ‘di natin binabali ang ating salita dahil
mayroon tayong palabra de honor. Kung napapagkatiwalaan tayo sa ganito, sa
ibang bagay pa kaya? Ipinapakita lang nito ang pagkakaroon natin ng
propesyunalismo at pagiging sistematiko. Yamang ang ating hanay ay binubuo ng
mga pinagpipitagang mga indibiduwal mula masa hanggang sa mga kabilang sa
tinatawag na alta sosyedad.
Ang mga sabungero rin
ay kilala sa pagiging palaban. Hindi lang naman ito nakalimita sa sabong kundi kung
paano natin dalhin ang ating mga problema. Hindi tayo basta-basta sumusuko
anumang balakid sa buhay ang ating nararanasan. Nasanay na kasi tayo sa isport
natin kung saan matinding paghahanda ang ating ginagawa mula pagbi-breed
hanggang sa dalhin na ang manok sa ruweda. Kailangan natin ng maraming pasensya
para magtagumpay sa sabong. Alam natin na ang mga pagkakamali ay may mahalagang
papel, ‘di lamang para maging mabuting sabungero kundi pati na rin maging
mabuting tao. No pain, no gain ‘ika nga ng kasabihan. Lalo na’t ang kumpetisyon
sa ngayon ay sadyang napakahirap kaya’t ‘di puwede ang papatay-patay.
Nakuha rin natin ang
pagkakaroon ng sportsmanship sa sabong. Aamining nakakadismaya naman talaga ang
matalo sa laban, pero tinatanggap natin ito ng buong puso . Ayaw nating
mag-sour grapping at magsabi pa ng kung anu-ano laban sa ating katunggali.
Nilalapitan pa nga natin sila para kamayan at batiin sa kanilang pagkakapanalo.
Ngayon, sino ang
magsasabi na ang mga sabungero ay walang magandang asal o moralidad? Aba’y ‘yung
mga galit lang sa sabong ang magsasabi nang ganun.

COMMENTS