Viral ngayon ang laban na cinoverage ng www.sabong-tambayan.com na pinost ni John P. Punzalan. Nabasag kasi ng...

Viral ngayon ang laban na cinoverage ng www.sabong-tambayan.com na pinost ni John P. Punzalan. Nabasag kasi ng manok ang salamin ng ruweda dahil sa lakas ng palo nito. Hindi na tuloy makita ang laban nang itinapat ang camera sa bahagi ng nabasag na salamin.
Hindi ito ang unang beses na nangyari, nangyari na rin ito sa palaban sa isang sabungan sa Davao City. Marami ang bumilib sa manok na nakatama sa salamin na ayon sa kanila ay fiber glass. Pero sabi ng mga kumukontra, hindi 'yun fiber glass kundi tempered glass kaya't natura lamang na mabasag kapag tinamaan ng matigas o matulis na bagay gaya ng tari.
Pero para sa iba, 'di na kailangan pang pagtalunan kung anumang klase man ng salamin gawa ang ruweda. Ang importante ay malakas at nanalo ang manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS