Dalawang buwan nang walang sabong kaya't miss na miss na ito ng mga sabungero. Ang iba, kuntento lang muna sa pagbitaw-bitaw ng man...
Dalawang buwan nang walang sabong kaya't miss na miss na ito ng mga sabungero. Ang iba, kuntento lang muna sa pagbitaw-bitaw ng manok. Habang ang iba, pinapood na lang ang video ng mga naging laban nila sa cellphone.
Pero may mga kasabong tayo na kung anu-ano ang pinaggagawa tila ba nawala na sa katinuan dahil sa pagkasabik sa sabik. Pero katuwaan lang naman ito.
Kagaya ng sabungero na si Arjay Magno na viral ang video sa social media. Paano ba naman kasi nasa ruweda siya at sumisigaw mag-isa. Sa kanyang imahinasyon ay maraming tao at nagkakasa pa siya ng mga pusta. Naging sentensyador pa siya.
Siyempre, inulan ng samu't saring reaksyon ang ginawa ni Arjay. Kakaiba kasi ang kanyang trip. May nagpapaturo pa kung paano gawin ang kanyang ginagawa. Kasador na, sentensyador pa!

COMMENTS