Si Maui habang isinusot ang glove sa paa ng manok Kung ang ibang batang babae ay mahilig sa manika, ibahin natin si Maui T. Sumastre, 6...
![]() |
| Si Maui habang isinusot ang glove sa paa ng manok |
Kung ang ibang batang babae ay mahilig sa manika, ibahin natin si Maui T. Sumastre, 6-taong gulang dahil ang kinahihiligan niya ay manok-panabong!
Minsan maiisip mo tuloy talagang iba ang karisma ng mga manok dahil ultimo mga bata ay nahuhumaling dito. Di naman ito nakapagtataka lalo na kung may nagmamanok din sa pamilya.
Ang lolo ni Maui ay nagmamay-ari ng simpleng manukan (Green Rapids Odiongan) sa Gingoog City, Misamis Oriental kasama ang tatay ng bata na si Mj Sumastre. Mayroon silang 100 heads. Kilala sa kanilang lugar ang kanilang mga palahi.
Sinabi ng tatay ni Maui ay tumutulong ito sa pagpapakain ng mga manok at pagbibigay ng vitamins. Ito pa raw ang naglalagay ng gloves sa paa ng manok kapag mayroon silang test fight o kapag nagbibitaw. Natuto siyang maglagay ng glove mula sa mga handler ng kanilang manukan.
Dahil bata pa, hindi puwedeng isama si Maui sa sabungan. Pero nakakapanood ito ng sabong sa cellphone. Kaya medyo exposed na siya rito. Balang-araw posibleng makita rin natin siya na nasa ibabaw ng ruweda.
Maaaninag ang kasiyahan sa mata ng bata kapag nakakakita siya ng manok. Patunay lang na talagang nag-ienjoy siya. Katunayan pangarap diumano ng bata na maging vet paglaki niya.





COMMENTS