Kung ikaw ay isang babae, ano ang tipo mong lalaki? Gusto mo ba ng guwapo, may kaya sa buhay. Yun bang kayang ibigay lahat ng gusto mo. O...
Kung ikaw ay isang babae, ano ang tipo mong lalaki? Gusto mo ba ng guwapo, may kaya sa buhay. Yun bang kayang ibigay lahat ng gusto mo. O ikaw yung tipo na kahit ano pa ang kalagayan nya sa buhay basta't mahal mo walang problema.
Napatanong tuloy ang Facebook user na si Raven Jane, ang sabi niya 'Puro kayo guwapo ayaw nyo ba sa kumakain ng patuka?' Kalakip ng kanyang post ang isang larawan ng lalaki na parang manok dahil kumakain ng patuka. Ang naturang lalaki ay si Robell Neo na isang Youtuber.
Maraming netizens ang naaliw sa post na ito ni Raven. Nasa mahigit na sa dalawang libong likes ang nakuha nito habang isinusulat ang artikulong ito.
Alam naman nating biro lang naman ang naturang post. Dahil wala talagang taong kumakain ng patuka sa totoong buhay. Pampa-good vibes lang 'ika nga!
Pero sa mga babae, kapag pipili kayo ng partner dapat ay yung magiging masaya kayo. Walang problema kahit mahirap pa yan o mayaman. Basta't sa huli ay di kayo magsisisi!
![]() |
| Larawan mula sa Fb account ni Raven Jane |


COMMENTS