Noon pa man ay mayroon ng mga tupada kahit ipinagbabawal ito ng batas. Lantaran pa nga ito sa ibang barangay. Pinapayagan din kapag fies...
Noon pa man ay mayroon ng mga tupada kahit ipinagbabawal ito ng batas. Lantaran pa nga ito sa ibang barangay. Pinapayagan din kapag fiesta o di-kaya'y Biernes Santo. Ang sigurado, merong mga opisyales na nakikinabang dito. Ang ilan pa nga sa kanila ay promotor pa!
Pero ngayon na mayroong pandemic ay tila mas naging agresibo ang mga nagtutupada. Kahit alam ng may virus ay naglalaban pa rin. Siguro dala na rin nang kasabikan na magsabong. Kanya-kanya na lang ng tago. Pero kahit ano'ng galing pa magtago, mahuhuli at mahuhuli pa rin dahil mayroong nagtitimbre sa kapulisan.
Kanya-kanyang takbo na lang kapag ni-raid na. Nagmimistula tuloy mayroong fun run. Yung iba, napapaakyat pa ng puno o di kaya'y sa bubong ng may bubong. Mayroong pa ngang napapatalon sa kangkungan, makapagtago lang. Mahirap nang mahuli dahil ang piyansa ay trenta mil. Malaking pera na rin 'yun kung tutuusin. Mahirap ding makulong dahil siksikan sa loob ng selda.
Panoorin natin ang ipinaskil ng Lucky J Gf Talisay Youtube channel na takbuhan ng mga nagsipagtakas sa tupada.

COMMENTS