Ngayong panahon ng Covid ay talaga namang lugmok ang marami dahil sa hirap na nararanasan at hindi exempted dito ang mga magmamanok. Duma...
Ngayong panahon ng Covid ay talaga namang lugmok ang marami dahil sa hirap na nararanasan at hindi exempted dito ang mga magmamanok. Dumadaing na rin ang ilang mga breeder dahil hirap na sila sa pagpapatuka ng kanilang mga manok. .Paano naman kasi magdadalawang buwan ang quarantine.
Ang magandang balita, kung ang DSWD ay may Social Amelioration Program, ang Pit Masters Group naman ay may Sabong Amelioration Program.
Sa panayam ni Harvey Bagatsing ng Sabong Nation kina Charlie Atong Ang at Eric Dela Rosa kasama si PFGB Digmaan Chairman Bernie Tacoy ay inihayag nila ang tungkol sa SAB. Ipinaliwanag nila na para maging kuwalipikado sa SAB, kailangan ang breeder ay mayroong 200 lalaking manok at talagang problemado kung paano papakainin ang mga ito.
Dapat ay kaanib ang breeder ng isang asosasyon dahil sa presidente manggagaling ang listahan ng mga kapat-dapat bigyan ng SAB. Ang pasok sa kriteria ay makatatanggap ng isang sakong patuka mula sa Thunderbird.
Para sa iba pang detalye, panoorin ang live video ng Sabong Nation.

COMMENTS