-Sa panulat ni Jaime Marciano Parang tumigil ang mundo ng mga sabungero dahil sa Covid-19. Nawalan kasi tayo ng liba...
-Sa panulat ni Jaime Marciano
Parang
tumigil ang mundo ng mga sabungero dahil sa Covid-19. Nawalan kasi tayo ng
libangan at kabuhayan naman sa iba. Kaya marahil ay inip na inip na ang marami
at umaasang matapos na ang virus kung hindi man ay tuluyan nang bumaba ang
Covid cases sa bansa.
Ito
ay isang maliit na mungkahi lamang po mula sa isang simpleng magmamanok katulad
ko. Bago buksan ang mga paaralan, i-testing muna sa sabungan. Una, dapat may
sapat na bilang lang ang papasukin. Let’s say, 100 lang sa simula. Pagpasok,
may listahan at ilalagay d’yan ang pangalan, address at contact number. ‘Yung
number nila sa listahan ay magsisilbing passes nila at dapat isabit sa katawan
habang nasa loob. Pabor ito sa lahat.
Magiging madali na kasi sa contact tracing just in case. Sa sabungan,
alam mo mo kung ilan ang mga pumasok. Maging tapat lang sa paglalagay ng
impormasyon. Mas mainam kung magpapakita ng ID para ito ay maberipika.
Kailangan
may representative ang health unit at LGU para sa strikto na pagpapatupad. May
thermal scanning at ibang check up kung kinakaillangan. Dapat din may
additional monitor or TV sets sa bawat sulok ng sabungan. Ito ay para maiwasan
ang pagkakadikit-dikit ng mga tao. Ipagbawal ang pagsisigarilyo at dapat
maglaan ng smoking area. May batas na ukol dito.
Lagyan
ng marka ang dapat puwestuhan ng mga sabungero kagaya nang ginagawa na sa ibang
mga establisyemento. Dapat ay naka-face mask ang lahat at ang sinumang lalabag
ay palalabasin kaagad at ‘di na papasukin muli sa sabungan. Kung maaari nga ay
ma-ban na sa lahat ng sabungan para magtanda!
Sa
pagpupustahan naman, bawal ang labis na hiyawan at dapat senyas na lang ng
kamay ang karaniwang gagawin. Iwasang sumigaw ng logrong "lo dyes at
dos tres". Kayang-kaya ‘yan kung
tatanungin. Bakit kamo? Basta sabungero kayang-kayang sumugal sa laro ng buhay.
Kaya sa muling pagbabalik ng sabong ay sundin lamang ang mga regulasyon na
ipapatupad ng ating gobyerno para wala tayong maging problema. Hintayin na lang
natin ang anununsiyo Gaming and Amusement Board kung kalian magbubukas ang mga
sabungan.

COMMENTS