-Sa Panulat ni Jaime Marciano Bilang bansa, samu’t sari na ang ating mga sakit na kin...
-Sa Panulat ni Jaime Marciano
Bilang bansa, samu’t sari na ang ating mga sakit na
kinaharap sa loob ng maraming dekada . Ngayon nga ay dumating ang Covid na
masasabi nating napakatindi. Patuloy pa rin itong hinahanapan ng lunas ng mga
pantas sa iba’t ibang panig ng mundo. Habang
wala pang bakuna rito, dapat lang na ingatan ang ating mga sarili sa
pagpapalakas ng ating resistensya. May kasabihan sa Ingles na ‘Health is Wealth’.
Hindi
lamang sa mga doctor makakapulot ng kaalam hinggil sa kalusugan kundin pati na
rin sa mga sabungero. ‘Di na kailangan pang maging high tech at mataas ang
pinag-aralan para ito ay ating maunawan. Pag aralan natin ang kultura ng sabungero
pagdating sa paghahanda at pagpapalakas ng kalusugan ng manok.
Ang
sabungero lalo na ang mga breeder ay may
malalim na kaalaman at karanasan dito. Sa pagpapaitlog pa lang and’yan na ang
timing, proper condition ng hen, pagkain at tamang lugar. ‘Di kailangan ang
imported for this purpose. Mas magaling pa local hen lalo na sa paglimlim at
pag-aaruga. Kapag sisiw na, may immunization kaagad ito. Angkop at masustansyang
pagkain ang ibinibigay. Kapag mayroong sakit, alam na kaagad ang panglunas
dito. Kapag lumalaki na, may tama at sapat na exercise, food supplements,
vitamins at iba pa. Kumbaga, lahat ay ibinibigay sa manok para hindi ito maging
sakitin bagkus ay maging competitive ito.
Sa farm
o lugar ng magmamanok, may tamang ventilation, walang pollution at dapat may
sikat ng araw lalo na sa umaga. Kumpleto sa disinfectants sa lugar at sa mga
tao. Kapag may peste kahit sa karatig pa lang, bawal na pumasok ang ‘di
authorized na tao. Binubukod ang mga vulnerable at ‘di malulusog na manok.
Syempre, doble ang gamutan at
immunization. Hindi kailangang high tech o moderno sa mga ito. Kailangan lang
may puso ka ng sabungero, ang pagmamahal sa ating mga alaga. Kahit pinakapobreng
magmamanok ay nagagawa ito.
Ilan lamang ‘yan sa mga nabanggit kung paano mag-alaga ang
mga sabungero. Siyempre, kung ang mga manok ay nagagawang alagaan, ang mga
sarili pa kaya ang hindi? Basta mag-ingat lamang po tayo lahat. Malalagpasan
din natin ang lahat.

COMMENTS