Likas na sa mga manok ang maging matapang dahil nasa dugo na nila ito. Kaya nga kapag stag na sila, kailangan nang paghiwalayin para di s...
Likas na sa mga manok ang maging matapang dahil nasa dugo na nila ito. Kaya nga kapag stag na sila, kailangan nang paghiwalayin para di sila mag-away-away. Teritorial kasi sila ang mga manok.
Mapipigilan ba ang katangian nilang ito? Di ba't hindi? Kung magkaganun ay wala nang sabong sa mundo.
Pero may mga pagkakataon na ayaw maglaban ng manok. May nag-viral dati sa Facebook na laban ng manok na waring nagkakaunawaan sila. Hindi sila naglaban sa ibabaw ng ruweda.
Hindi lang 'yan may iba pang video na ganito rin ang nangyayari. Kagaya ng video na ito na ipinaskil ng Fb user na si Jesus Anhuar Cabrajal, magkakatabi ang mga manok, pero 'di nagtutukaan. Puwedeng nasanay na sila sa ganito.
Kapag dumami ang ganitong klase ng mga manok baka humina na ang sabong.

COMMENTS