Viral ngayon ang video ni Boyet Castelo, isang sabungero na nakabase sa Amerika. Sinabi niya na asin lang ang panlaban para sa Covid. I...
Viral ngayon ang video ni Boyet Castelo, isang sabungero na nakabase sa Amerika. Sinabi niya na asin lang ang panlaban para sa Covid.
Ikinuwento niya na pumapasok pa rin siya sa trabaho kahit putok na ang balita na may Covid. Pero nagpasya na siyang tumigil sa trabaho dahil sa naalarma na rin siya sa mga pangyayari. Nabalitaan niya na dalawa na ang naging Covid positive sa building na kanyang pinagtatrabahuan.Ang Amerika ngayon ang nangunguna na may pinakamaraming Covid cases sa buong mundo.
Pag-uwi niya ng bahay ay dala-dala na niya pala ang virus. Nakaramdam siya nang matinding pangangati ng lalamunan at inuubo na siya na ilan sa mga sintomas ng Covid. Dahil akala niya ay normal na ubo lang, maligamgam na tubig at salabat lang ang kanyang iniinom.
Naalala niya ang matandang kaibigan niya na nagsabing ugaliing laging may asin sa bahay dahil mahalaga ito. Dito niya naisip na magtimpla ng maligamgam na tubig na may halong isang kutsaritang asin tapos ay kanyang ininom. Ayun nga, tatlumpung minuto lang ay bumuti na ang kanyang pakiramdam.
Ganun din ang ipinagawa niya sa kasama niya sa bahay na nag-uumpisa nang ubuhin at mangati ang lalamunan. Gaya niya, bumuti rin ang pakiramdam nito.
Kaya't ipinapayo niya na gayahin ng iba ang kanyang ginawa kung sakali mang ubuhin at makaramdam ng pangangati ng lalamunan.
Sa ngayon, wala pang lunas sa Covid. Pero sa kanyang karanasan, mabisan ang asin na panlaban dito. Wala naman daw mawawala kung susubukan ang kanyang sinabi.

COMMENTS