Maganda Balita mga Kasabong. Sa kasalukuyan ay nasa bahay tayo at siguradong miss na miss n’yo na ang pagsasabong...
Maganda Balita mga Kasabong. Sa kasalukuyan
ay nasa bahay tayo at siguradong miss na miss n’yo na ang pagsasabong at
pagbisita sa atin mga farm. ‘Yun nga lang, buong mundo ang apektado ng Pandemic
na NCOV19 at kitang-kita naman ang epekto nito. Marami ng mga tao ang naging
infected ng virus na ito at ang malungkot ilan na sa kanilang ang mga nasawi. Kaya’t at panalangin natin sa Diyos nawa ay
masugpo at matapos na itong kalamidad na ito.
Bumalik tayo sa usapang sabong. Ang
Sabong Manila Academy sa pamumuno ni Makuri Makuru at Pointman Donasco ay
naglunsad at kasalukuyang nagbibigay at patuloy ang kanilang Sabong Manila
Academy at Mobile Consultancy sa pamamagitan ng ONLINE CONSULTATION via
FACEBOOK MESSENGER.
Ang GAMEFOWL ENGINEERING na kung saan ay
makakapa- aral ka pa rin sa kanilang programa. Kumpleto at advance sa
pagsasabong kagaya na ‘di ng kanilang mobile gamefowl consultancy. Ilan lang sa
matutunan dito ay sistematikong paraan nang pagkukundisyon at pagpu-point ng
manok.
Kahanga-hanga ang tandem na nina Makuri at
Pointman dahil sa gitna ng unos ay patuloy ang kanilang pagmamalasakit sa mga
nagsisimula pa lamang sa pagsasabong. Isa itong malaking tulong dahil patuloy
na matututo ang ating mga farmhands. Kahit tayo ay nasa farm ngayon o ‘di-kaya’y
sa kanya-kanyang bahay, sa tulong ng SABONGPOST Facebook page at SABUNGERO Youtube
Channel ito ay MATAGUMPAY na maitataguyod.
Sa mga OFW at mga nasa Pinas na rin na
interesado sa makabagong pamamaraan ng pagsasabong, maaaring i-message sa
Facebook si Makuri Makuru o ‘di-kaya’y kontakin siya sa numerong 0915-577-9379.
Maraming salamat sa lahat at mabuhay tayo!



COMMENTS