Kapag magkakasupling ang mag-asawa o mag-partner ay talaga namang nasasabik ang mga ito na malaman kung ano ang ...

Kapag magkakasupling ang mag-asawa o mag-partner ay talaga namang nasasabik ang mga ito na malaman kung ano ang magiging kasarian ng kanilang magiging anak. Ang iba, hinihintay na lang itong lumabas. Pero siyempre, ang iba pinapa-ultra sound na nila para 'di na sila manghula pa kung babae o lalaki ang lalabas.
Pero hindi lahat ay dumadaan ng sabungero gaya ginawa ng Facebook user na si Karla Casterejon ng Texas, USA kung saan ay pinagsalpok nila ang mga manok. Ilang segundo lang ay nasabi na nila na lalaki ang magiging anak ng buntis nilang kapamilya. Dangan nga lang at binura na ang video matapos itong umabot ng 24k views.
Sasabihin ng iba na wala namang basehan ang ginawa nilang ito dahil 'di naman talaga malalaman ang kasarian ng nagdadalantao dahil lang sa simpleng pagsasalpok ng manok. Pero hayaan na nila, wala namang sigurong masama rito. Malay natin kung magkatotoo ang kanilang hula. Sa mga pamilya ng sabungero na mayroong buntis, gayahin n'yo rin ito kung gusto n'yo lang.
COMMENTS