Isa sa sakit ng ulo ng mga magmamanok ay ang umaatakeng ahas o sawa sa manukan. Mahirap nga naman ang mabiktima nito dahil...
Isa sa sakit ng ulo ng mga magmamanok ay ang umaatakeng ahas o sawa sa manukan. Mahirap nga naman ang mabiktima nito dahil imbes na pakinabangan ang manok ay mamamatay na lang itong bigla dahil ginawa ng pagkain. Kaya para hindi pamahayan ng sawa ang manukan ay huwag nang hayaang maging masukal ang paligid para wala silang mapagtaguan.
Madalas tayong makarinig na ang ilang mga sabungero ay nakahuli ng sawa sa kanilang manukan. Ang iba ay itini-turn over sa DENR habang ang ilan naman ay pinapatay na lang sa takot na maligkis pa sila nito. Hindi lang naman kasi mga alagang hayop ang nililigkis nito kundi pati na rin tao. Mas mahirap kung cobra ang gumagala-gala dahil makamandag ito.
Isang Facebook user na nagngangalang Johnson Susa Jay ang nag-post ng larawan kung saan ay makikita na mayroong nakapulupot na sawa sa kanyang braso. Ayon sa kanya, mabuti na lang at nag-ingay ang kanyang inahin na liligkisin sana ng sawa kung kaya’t nailigtas niya ito.
Ikaw kasabong, nakahuli ka na ban g ahas o ng sawa o sa iyong manukan?

COMMENTS