Maraming gimik ang sabungan para mas tangkilikin sila ng kanilang mga parukyano. And’yan ‘yung magpapasayaw ...

Maraming gimik ang sabungan para mas tangkilikin sila ng kanilang mga parukyano. And’yan ‘yung magpapasayaw sila ng mga babae. Kasama na r’yan ang partipasyon ng mga lalaki na umaakyat pa sa ruweda pagkatapos ay saka gigilingan ng babae. Eh, di ayos ang buto-buto! Minsan ay meron ding roundgirls na animo’y tila ka na sa boxing arena.
Ito ang naiiba dahil nag-imbita na ng magician ang isang subungan. Libang na libang ang mga tao dahil talaga namang napakahusay ang kanilang nakuhang magician. Sabayan pa ng pakuwelang galawan. Makikita sa video na kuha ni Jericho Manalangsang, kumuha ng magician ang pera saka tinupi o nilukot pagkatapos ay napapagalaw niya at napapasunod niya. Pagkatapos ay may tissue pa siyang isinubo at kinain, pero sa huli ay naging buo uli saka hinila palabas ng bibig. Nakamamangha ‘di ba?
Panoorin ang video:
COMMENTS