Sa mga babae ay mayroong nanganganak ng kambal. Maaaring namana nila ito sa kanilang ninuno. May dalawang klase ng kambal, i...
Sa mga babae ay mayroong nanganganak ng kambal. Maaaring namana nila ito sa kanilang ninuno. May dalawang klase ng kambal, ito ay ang fraternal identical twins o magkamukha. Habang ang isa naman ay tinatawag na fraternal o kambal na ‘di naman magkamukha.
Paminsan-minsan ay nangyayari rin na sa mga inahin na magkaroon sila ng dalawang sisiw sa isang itlog. Mukhang mahirap yata ito dahil maliit lang naman ang itlog kaya’t nakamamanghang isipin na nagkasya rito ang dalawang sisiw. Sinasabi na dalawang ang yolks sa loob ng itlog. Pero kadalasan ay nagkukumpetensya ang dalawang sisiw kung sino ang mapipisa at sa kasamaang palad ay pareho silang ‘di nabubuhay.
Sa video ay makikita na ang may-ari na ang nagtatanggal ng balat ng itlog para makalabas ang mga sisiw. Nang maalis ang balat ay makikitang gumagalaw-galaw pa ang mga ito. Wala nga lang balita kung ano na ang nangyari matapos itong gawin ng may-ari.
Panoorin ang video:

COMMENTS