Masakit kung nagtiwala ka sa isang tao tapos lolokohin ka lang pala. Pero ang mas masakit ay ‘yun...
Masakit kung nagtiwala ka sa isang tao tapos lolokohin ka lang pala. Pero ang mas masakit ay ‘yung pagnakawan ka pa.
Isang farm owner ang nanlulumo dahil pagkatapos niyang pagkatiwalaan ang kanyang tao sa farm ay pagnanakawan pa lang siya nito.
Ayon sa post ni Rodel Austria, pinagnakawan siya ni Richard Berballes o Richard Juanerio, tubong Samar. Noong una, humingi ito ng proteksyon sa kanya kaya’t pinahiram niya ito ng caliber 25. Pero nahihinaan ang tauhan sa ganitong baril kaya’t pinadalhan niya ito ng 45. Itinakas ng tauhan pareho ang nasabing mga baril kasabay nang pagnanakaw diumano nito ng mga manok.
Ayon pa kay Austria, maraming kuwento ang tauhan pero nagduda siya kayat napilitang siyang umuwi. Hanggang sa madiskubre niya na ito pala ang nagnanakaw ng kanyang mga manok. Inubos diumano nito ang mga manok sa kanyang farm. Pati susi ng kotse at motor ay tinangay din ng tauhan.
Sinabi ni Austria na akala siguro ng kanyang tauhan ay makatatakas ito sa krimeng ginawa niya. Kahit saan pa raw ito magtago ay ipakukulong niya ito.



COMMENTS