Photo via Rhona Bullecer's Fb account Kung dati-rati ang sabong ay pinaghaharian ng mga kalalakihan aba’y hindi n...
![]() |
| Photo via Rhona Bullecer's Fb account |
Kung dati-rati ang sabong ay pinaghaharian ng mga kalalakihan aba’y hindi na ngayon. Marami na rin kasing babaeng nagsasabong. Isa sa kanila ay si Rhona Bullecer na makikitang nagbibitaw sa ruweda. Bukod sa pagsasabong, isa rin siyang promoter sa derby sa Teresa Square Garden.
Ang
kanyang hilig sa manok ay namana niya sa kanyang ama na si Elliot Bullecer na
dating nagtatrabaho kina Pedro Cojuangco, Manila Mayor Ramon Bagatsing at sa
namayapa nang si Caloocan Mayor Boy Asistio.
Naging
tagapag-alaga ng sisiw si Rhona ng ama kaya’t bata pang lang ay expose na siya
sa imanok. Imbes na maglaro kagaya ng ibang bata, ibinuhos na lang niya ang kanyang atensyon sa
pagmamanok. Noong 8-taong gulang naman siya ay isinama-sama na siya ng kanyang
ama sa sabungan, sa Roligon at Pasay. Pinangarap niya talaga noon na maging
kagaya ng kanyang ama na isang magsasabong. Sa kanyang murang edad, ginusto
niyang makapagbitaw.
Dati,
kung kani-kanino lang bumibili ng manok si Rhona para makasali sa mga derby.
Hanggang sa maisip niya na mag-breed ng sariling manok total may karanasan na
naman siya sa pagbu-brood ng sisiw. Nagrirenta noon si Rhona sa lupa ng mga
Sumulong. Dahil sa maganda ang naging
produksyon niya ay naisip niyang doblehin ang kanyang produksyon. Kaya’t
lumipat siya ng Pililia, Rizal at ngayon nga ay permante na ang kanyang manukan
sa naturang lugar. Kapag wala siya sa bansa ay ang mga kapatid na niyang lalaki
ang tumitingin dito. Nagtatrabaho kasi siya sa Belgium bilang isang caregiver.
Ang
kanyang mga manok ay binubuo ng Slick
Lizard Roundhead, Johnnie Jumper Kelso, Rubio Sweater Gold, Dom at Mel Sims.
Kung
labanan ang pag-uusapan ay matinik din si Rhona. Marami na rin siyang
kampeonato na nakuha. Naging solo-runner up din siya ng 1st leg ng PGDA 5-Stag
Derby Circuit. Nakuha naman siya ng 9 points sa BAKBAKAN at siya rin ang nanalo
sa raffle kung saan ang papremyo ay Toyato Hilux pickup truck.
![]() |
| Si Rhona kasama si Osang |
Hinahangaan
ni Rhona si Osang Dela Cruz sa larangan ng sabong. Wala kasi ritong babae na
makakapantay o makahihigit sa narating nito sa sabong. Siya raw ang
kauna-unahan na bumasag sa sinasabing gender barrier sa isport na
pinaniniwalaang pang-lalaki lang. Sinusundan niya ang yapak ng kanyang idolo.
Pero siyempre, may sariling tatak si Rhona kumpara sa ibang mga sabungera.
Kapansin-pansin ang kanyang bangis sa ruweda!


COMMENTS