Kapag nagkamali ang isang tao at humingi ng isa pang tsansa, pagbibigyan mo pa ba? Paano kung ang isang tao ay ...

Kapag nagkamali ang isang tao at humingi ng isa pang tsansa, pagbibigyan mo pa ba? Paano kung ang isang tao ay mayroong atraso, nagbenta siya ng manok pagkatapos ay hindi ipinadala? Eh, nabayaran mo na siya. Pagkatapos ay hihingi ng isa pang tsansa para linisin ang kanyang pangalan, pagbibigyan mo pa ba siya?
Isang sabungero na may Facebook user name na Leon Atiugrub na inihihingi ng isa pang tsansa ang nagbebenta ng manok na Franco Pelicano. Ayon sa kanya, payagang muling makapagbenta ng manok si Pelicano sa mga grupo nang sa gayun ay mabayaran niya ang kanyang atraso sa isa sa mga miyembro ng grupo.
Pero ayon sa mga miyembro ng grupo, ayaw na nila itong bigyan ng pagkakataon baka ganun uli ang kanyang gagawin. Dalang-dalang na sila dahil marami ang mga bogus seller online.
Ngunit ayon kay Atiugrub, desidido talaga si Pelicano na bayaran ang kanyang naging atraso.

COMMENTS