Nakita na ba kayo ng manok na may mahabang buntot? Ganito ang alaga ng breeder na si Jonathan ...
Nakita na ba
kayo ng manok na may mahabang buntot? Ganito ang alaga ng breeder na si Jonathan
Reyes. Ito ay tinatawag na Bantam na kung tawagin ay si Lastikman, ang lahi
nito ay mula sa Dutch, Old English Game at Phoenix. Ang timbang ng manok na ito ay 800
grams lang o wala pang isang kilo, pero ang buntot ay umaabot ng walong
talumpakan.
Minsan nang naitampok si Lastikman
sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS). Pinipilahan diumano ito ng mga tao
para lang mahimas o mahawakan ang buntot ng manok na ito, sa paniniwalang may
hatid itong suwerte.
Pinagawan pa ni Jonathan ng sariling
kulungan na kahoy si Lastikman para ‘di sumayad ang buntot nito. Imbes na
isabong ay isanasali niya na lang ito sa mga show.
Panoorin ang
video:

COMMENTS