Nagbigay ng babala sa publiko ang gamefowl breeder na si Hernani Boy J Jimenez laban sa bogus seller na si Rommalyn Rom o ...
Nagbigay ng
babala sa publiko ang gamefowl breeder na si Hernani Boy J Jimenez laban sa
bogus seller na si Rommalyn Rom o Gemmalyn Rom na nagbebenta ng kanilang mga
manok.
Ayon
kay Jimenez, dati na nila itong nahuli na nagbebenta ng kanilang mga manok.
Nagpalit lang ito ng account at ngayon ay ginagamit ang pangalang Alche Gf.
Taga-Davao del Sur raw ang mga ito at si Rommalyn ang tagatanggap ng bayad.
Naaawa si Jimenez sa magiging biktima pa ng mga ito kaya’t binabaaan niya ang
publiko.
‘Di na ang bago ang ganitong modus. Ginagamit ng mga mapagsamantala ang pangalan ng mga kilalang breeder upang makapambiktima. Ilan lang sa mga pangalan ng mga ginamit na ay si Bernie Tacoy, Nene Abello, Edwin Aranez at Raffy Campos ng RED Gamefarm at marami pang iba. Kaya’t ipinapaalala na mag-ingat para ‘di maging biktima.

COMMENTS