Inaresto ang Deputy Chief of Police na si SPO4 Arnold Doria ng Bantay Police Station habang naak...

Inaresto
ang Deputy Chief of Police na si SPO4 Arnold Doria ng Bantay Police Station habang
naaktuhan ito na nasa loob ng Caoayan Cockpit, Ilocos Sur.
Ayon
sa ulat, mismong intelligent officer ng provincial office ang umaresto kay
Doria. May nag-text diumano na informant sa provincial office na nakita ito sa
loob ng sabungan.
Tanghali
at naka-off duty si Doria nang makita ito sa sabungan. Ikinatuwiran diumano nito na nanunood lang
siya ng sabong.
Isinasaad
sa Napolcom Memorandum Circular na bawal sumali o pumunta ang kapulisan sa
anumang uri ng pasugalan. Kung sakali namang magbabantay man sila sa establisyimento,
kailangan pa rin nilang kumuha ng clearance.
Sinibak
na sa puwesto si Doria at inilipat muna sa regional headquarter habang
gumugulong pa ang imbestigasyon. Maaari itong maharap sa kasong adminsitratibo
at matanggalan ng benepisyo.
Panoorin ang video:
COMMENTS