Muli na namang napatunayan na ang sabong ay ‘di nakasasagabal sa pag-aaral bagkus ay na...
Muli na namang napatunayan na ang sabong ay ‘di
nakasasagabal sa pag-aaral bagkus ay nakatutulong pa nga. Hindi porke’t
nagsasabong ang isang estudyante ay napapabayaan na nito ang pag-aaral. Mayroon
sa kanila na sa pamamagitan ng kinita sa sabong ay naitaguyod nila ang kanilang
pag-aaral. Tunay nga namang nasa nagdadala lang ito.
Isa
na namang estudyante na sabungero ang proud na nagbahagi ng larawan habang
nakatoga pagkatapos ay may hawak na manok. Siya ay Makoy Celeste na nakapagtapos ng
Bachelor of Science in Computer Engineering sa Surigao del Sur State University.
Ayon
kay Celeste, bilang kaulutan ay tulungan sana siyang makahanap agad ng trabaho.
Gaya
nang dati ay marami na namang netizen partikular na ang mga sabungero ang
natuwa sa larawan ni Makoy. Dahil patunay siya na kahit nagsasabong ang isang
estudyante ay kayang-kaya nitong makapagtapos ng pag-aaral. Sana raw ay maging
inspirasyon siya ng mga estudyante na nagsasabong din gaya niya.
COMMENTS