Si Atty. de Castro kasama ang mga modelo ng Thunderbird Ang grupo ni Atty. de Castro nang mag-champion sila sa W...
![]() |
Si Atty. de Castro kasama ang mga modelo ng Thunderbird |
![]() |
Ang grupo ni Atty. de Castro nang mag-champion sila sa WSC-1 2016 |
Kung patibayan lang ng manok ang pag-uusapan, isa na
sa masasabing matitibay ang mga manok ay kay Atty. Art de Castro. Bakit hindi,
eh dalawang beses na siyang nagkampeon sa prestihiyosong pasabong na World
Slasher Cup. Ito ay noong taong 2010 at 2016 kung saan ay naging co-champion niya si Engr. Sonny Lagon.
Sadyang mahusay pumili ng panlaban si Atty. de Castro,
kapag tumitingin siya ng manok, ang una niyang tinitingnan ay ang height ng manok.
Ang gusto niya ay ‘yung mahaba ang binti. Mas madalli kasi itong makatama o
makakunekta sa kalaban kumpara sa maiksi ang binti.
Pagdating sa katawan ng manok, ang gusto niya ay ‘yung
maliit ang katawan, malapad ang balikat pero maliit ang baywang. Mas madali
kasing makakakakilos ang manok kapag ganito. Para sa kanya, ang manok na malaki
ang katawan ay mabagal kumilos kaya’t posible na maunahan ito ng kalaban
pagdating sa paluan.
Ayaw ni Atty. de Castro ng manok na masyadong
agresibo o walang ingat. Kaya’t ang ginagawa niya ay hinahayaan niyang mapalo
ang ito ng ibang mga manok nang sa gayun ay maging maingat na ito at mautak sa susunod.
Iba-iba ang fighting style ng manok kaya’t mahirap matukoy kung aakma ba ang laro ng manok mo sa kalaban. Kaya para
makasabay sa kahit ano’ng style ng kalaban, ang ginagawa ni Atty. de Castro ay
ini-spar niya sa Bantam ang kanyang manok. Masusubukan kasi rito ang liksi ng
iyong manok.
Ang mga linyada sa manukan ni Atty. De Castro ay
binubuo ng Leiper Hatch Roundhead, dark Kelsos, White-Legged Sweater, meron din
siyang Peruvian na Open Air at Carmelo at iba pa.
COMMENTS