Siyam na katao ang inaresto dahil sa pagsasagawa ng iligal na sabong sa Brgy. 157-16 no...
Siyam
na katao ang inaresto dahil sa pagsasagawa ng iligal na sabong sa Brgy. 157-16 noong
araw ng Sabado.
Ang
mga nahuli ay kinilalang sina Jimmy Elogario, 30, Wesmer Germones, 33, Jovet
Velasco, 47, Herwel Solano, 49, Rolando Cuyos, 50, Emmanuel Lara, 40, Alvin
Cabantac, 47, at Gerry Labado, 45.
Ayon
sa Pasay Police station, nakatanggap sila ng impormasyon sa isang residente na
mayroon diumanong isinasagawang tupada sa kahabaan ng Apelo Cruz St., Brgy.
157-16, Pasay City.
Agad
naman lumusob ang kapulisan sa itinurong lugar kung saan isinasagawa ang tupada.
Nakakumpiska ang otoridad ng halagang P5,500 na pamusta at tatlong manok, ang
isa ay patay na habang ang dalawa ay buhay pa.
Ang
mga naarestong sukpek ay dinala sa Malibay PCPP para sa paunang imbestigasyon.
Source: Manila Bulletin
COMMENTS