Sina Makuri Makuru, Ryan Montano at Danny Convento, mga backyard breeder ng Taytay, Rizal Sinasabing ang mga backyard breed...
| Sina Makuri Makuru, Ryan Montano at Danny Convento, mga backyard breeder ng Taytay, Rizal |
Pero
ngayon kahit sino ay may access na sa impormasyon sa pagmamanok. Mayroon na
kasing mga magasin, sabong tv shows, libro at iba pa na nagbabahagi at
nagtatampok ng iba’t ibang aspekto sa pagmamanok. Mag-search ka lang din sa
internet ay marami ka nang mababasa o mapapanood na mga video hinggil sa
sabong.
Bukod
sa kaalaman, marami na ring mga backyard breeder ang mabusisi sa pagmamanok.
Bagama’t wala silang malawak na lupain na pinag-aalagaan ng mga manok,
ipinagmamalaki nila na ang kanilang bloodline ay galing sa isang kilalang
breeder. Kumbaga, ‘di nila ito kinuha o dinampot lang kung saan-saan.
Naniniwala rin sila na kapag nagmamanok ka dapat ay kumuha ng materyales sa
tapat at establisado na breeder para maging maganda ang kalalabasan nang
pagpapalahi.
Kung
ganun ano ang lamang ng mayroong farm o malalaking breeder sa mga backyard?
Siyempre, mas may kakayahang sumali ang una sa malalaking event. Puwede rin
namang makasali ang pangalawa kung magbabakas-bakas sila o ‘di-kaya’y kung
mayroong magpi-finance sa kanila. ‘Di ba’t sa kasaysayan ng BAKBAKAN ay may mga
backyard nang nagkampeon? Talo rin ang mga backyard pagdating sa pustahan. Pero
kung galing at galing din lang ng manok ay mayroon din ang mga backyard. Anila,
pareho lang naman na may tari ang manok ng bigtime at ng backyard. Pareho lang na
naikundisyon ng maayos. Minsan nga, kahit nga raw mga bigtime ay natatakbuhan
din ng manok.
Pero
‘di lahat ay naniniwala na kayang makipagsabayan ng mga backyard sa mayroong
malalaking farm. Ganito ang paniniwala ng breeder na si Victor Sierra. Sa
panayam dati sa kanya ng Llammado Magasin, mas lamang ang may malalaking farm
dahil mas marami silang mapagpipiliang manok. Hindi kagaya sa mga backyard na
pailan-ilan lang ang mga manok. May punto rin naman. Kasi ang inilalabang manok
ng mga bigtime ay mga napili nila mula sa singkuwenta, isang daan o higit pa.
Kumbaga, nasasala nila nang husto.
Kung
paramihan o bilang ang pag-uusapan, siyempre panalo na ang mga backyard breeder
dahil kabilang sila sa masang magmamanok. Itinuturing silang pinaka-gulugod ng
industriya ng sabong dahil nakasalalay sa kanila ang buhay ng mga kumpanya ng
may kinalaman sa sabong. Kung wala sila malamang ay bagsak na rin ang sabong.
Sa
kabilang banda, hindi naman kailangan pang pagkumparahin o pag-awayin ang mga
bigtime o backyard breeder dahil sa larangan ng sabong, lahat naman ay
pantay-pantay. Maaari itong i-enjoy ng marami at kukonti lang ang manok. Ang
mahalaga ay masaya ka sa ginagawa mo. Nagkataon lang na mas maraming pera ang
mga bigtime kaya may kakayahan silang mag-import at magparami ng manok. Pero
hindi rin namang maaaring maliitin ang mga backyard dahil may angkin din silang
husay sa pagmamanok at ‘yan ay pinapatunayan nila sa ibabaw ng ruweda!
COMMENTS