Walang masama na maikuwento o ibida mo kung nanalo ang grupo n’yo sa sabong lalo na’t kung k...

Walang
masama na maikuwento o ibida mo kung nanalo ang grupo n’yo sa sabong lalo na’t
kung kilala ang natalo. Pero kung lalaitin mo pa ang natalo mo ay ibang usapan
na ‘yun. Kung ang iba, pinalalagpas lang ang ganito, mayroon din namang pumapalag.
Naimbyerna
si Robie Yu Panis sa isang sabungero na nagngangalang Lesther Alvarez Glino.
Paano kasi ay nagyabang si Glino sa kanyang Fb post na natalo nila ang manok ng
Firebird Gamefarm. Mayroon pa itong kasamang litrato ni Ms. Robie na nagtatari
siya at nilagyan pa ng caption na “Ms. Robie, tama na ang sipat. Nangyari na
ang ‘di dapat mangyari.”
Maliban
pa roon ay nag-post din ng picture si Glino kung saan ipinapakita ang bihag na
manok na may wing band ni Biboy Enriquez. Mababasa rin sa comment ng ilan
niyang mga Fb friend na binabati siya. Imbes na magpasamat ay nagyabang pa ito
na sa susunod daw ay Red Gamefarm na ang kanilang tatalunin.
Sinabi
ni Ms. Robie na kahit kalian ay ‘di siya nag-post ng picture na natalo siya.
Kahit kalian ay ‘di rin siya nagyabang na nanalo sila o niyabangan niya ang
kanyang natalo. Dapat raw na tandaan ni Glino na walang mananari na natalo.
Nagalit
din ang mga follower ni Ms. Robie sa wala na sa lugar na pagyayabang ni Glino. Nakatanggap
ito ng katakut-takot na pamba-bash. Ipinagpalagay ng iba na mukhang ngayon lang
ito nanalo kaya ganito na lang makapagyabang. May nagsabi rin na ang tunay na
sabungero ay maginoo lalo na sa mga babae na nagmamanok kaya’t maling-mali ang
asal na ipinakita ni Glino.

COMMENTS