Kilala tayong mga Pinoy sa pagiging malikhain. Kaya’t kapag marunong tayong gumawa ng isang bag...
Kilala tayong mga Pinoy sa pagiging malikhain. Kaya’t
kapag marunong tayong gumawa ng isang bagay hanggat maaari ay gagawin na natin
ito para makatipid. Ito ang tinatawag na pagiging praktikal. Siyempre, kahit sa
mga magmamanok ay mayroon ding nagdi-D.I.Y. o do it yourself ‘ika nga.
Maraming
natuwa sa ipinaskil na mga larawan ng ginawang catch cock ni Alfred Malqued na
ipinaskil niya sa grupo na Sabong Tips (Breeding, Precon, Conditioning, Pointing) sa FB. Napakasimple lang kasi nito. Kung ang
iba gawa sa bola, sa kanya naman ay gawa lang sa sako. ‘Di ba’t napakatipod?
Kasi kung mahal din kapag bibili pa ng catch cock lalo na’t leather.
Ayon
kay Alfred, nais niyang makatulong sa iba kaya niya ipinapakita ang ginawa
niyang catch cock. Matagal na raw siyang gumagawa ng ganito at base sa kanyang
obserbasyon ay maganda itong gamitin. Nari-relaks kasi ang manok at ‘di
nai-stress. Isa pa, puwede rin itong gamitin kapag nagpupungos ng manok. Lagyan lang diumano ng basahan sa ulo ng manok para 'di maduming tingnan.
Napakadali
lang diumanong gawin nito, kailangan mo lang ng sako, panali at gunting.
Presto, may catch cock ka na! Maraming mga sabungero ang nagpahayag na gusto
nilang gayahin ang catch cock ni Alfred.


COMMENTS