Hindi na bago na makabalita tayo na mayroong ilang tao na may dalawang ulo. Mahirap ang may ganit...
Hindi na bago na makabalita tayo na mayroong ilang
tao na may dalawang ulo. Mahirap ang may ganitong kundisyon dahil bukod na sa
kakaiba ang kanilang hitsura ay mabigat pa ang kanilang ulo. Dalawa ba naman,
eh!
Sa
manok, posible rin kaya na mangyari ito? Pinag-uusapan ngayon sa Facebook group
ang mga litrato ng mga manok na may dalawang ulo. Ang isa ay sisiw pa lang
habang ang isa ay malaki na. Naka-paskil ang nasabing mga larawan sa Fb page na
Pinoy Passion na ibinahagi ni Rodel Ex Batallion Lorenzo sa Sabong Forum s sa
FB…Mga Talakayan tungkol sa manok panabong. Itinatanong niya kung totoo ba o
hindi ang mga nasa larawan?
Hati
ang opinion ng mga nakitang sabungero sa mga nasabing larawan. Mayroong
naniniwala dahil mayroon nito sa tao, natural diumano na mayroon ding ganito sa
mga hayop. Samantalang ang iba ay ‘di mga naniniwala rito. Edited lang daw ito.
Pero may mga nagsasabi rin na ang larawan ng sisiw ay totoo, ang sa malaki na
ang hindi.
Sinabi
naman ng nagngangaang Ynnet Capungas na nakaranas na rin sila makapagpisa ng
sisiw na dalawa ang ulo. Hindi nga lang ito nabuhay.
May
mga nagbiro rin na paano kapag inilaban ang ganitong manok ay saan kayo
pupusta?


COMMENTS