Bakit nga ba pinupungusan ang manok-panabong gayung parte naman talaga ito ng katawan ng manok? Sa...
Bakit nga ba pinupungusan ang manok-panabong gayung parte
naman talaga ito ng katawan ng manok? Sabi ng iba, mas pogi raw tingnan ang
manok na walang palong kumpara sa meron.
Naniniwala
ang maraming sabungero na ang pagpupungos ng palong ng manok ay isa ng rituwal
gaya nang ginagawang pagpapatuli ng mga tao. Kumbaga, ang pagpupungos ay
kinagawian na kahit ng mga naunang sabungero. Sinasabi na may advantage sa laban ang napungusan na
manok. Kapag tinamaan kasi ng tari ang palong ay siguradong magdurugo ito at
aagos sa mata ng manok. Kaya’t mahihirapan itong makita ang pag-atake ng
kalaban.
Isa pa,
nakabibigat din sa manok ang palong kung kaya’t maaari itong makasagabal sa pagkilos
ng manok. Kung sasali sa derby ay dagdag na agad ito sa timbang.
Nasa
sabungero naman kung pupungusan niya ang manok o hindi. May ilan din kasing mga
sabungero na ‘di naniniwala na may advandtage ang walang palong sa laban. Una,
kapag inulot mo raw ang manok na may palong ay madali kang labanan dahil hindi
guwapo ang manok mo. Maaari pa nga raw na maging helmet o proteksyon ng manok
ang kanyang palong. Kapag tinamaan daw kasi ng tari imbes na sa ulo ang diretso
ay sa palong ito tatami. Kung dugo naman daw na aagos sa mata ng manok ang problema ay kaya naman itong
indahin. Nasa pagkukundisyon lang naman daw ito.
Maganda
lang diumanong pungusan ang manok kung ito ay iyong papupogiin para gawing
pambenta. Alam naman natin na karamihan ng buyer ay poging manok ang hinahanap.
Pero kung panlaban ay mas gusto nila ang may palong.
Sabi
naman ng iba, depende na rin ito sa palong.
Kung malaki ang palong ng manok
ay makabubuting alisin na lang ito. Kung’di naman malaki at makasasagabal ay
kahit ‘di na ito pungusan.
Pagdating
naman sa materyales, mas gusto ng iba ang broodcock na mayroong palong.
Attractive raw kasi sa inahin ang manok na may palong. Mas malaking palong, mas
mayroon daw dating. Base sa karanasan ng ilang breeder, mas masigla ang sisiw
na ang tatay ay hindi napungusan. Sa palong din diumano nakikita kung healthy
ang isang broodcock. Kapag mapula ang palong ay senyales ito na malusog ang
broodcock.
Siyempre,
mayroon ding naniniwala na mas magandang gawing materyales ang manok na may
palong kumpara sa wala. Para sa kanila, parehas lang naman itong uubra. Wala
diumanong basehan na mas malusog ang semilya ng may palong. Paano naman daw ang
mga nailabang manok na nanalo na kapag gusto mong gawing broodcock? Kapag
healthy at quality naman ang manok ay malusog din ang maipuprodyus nito.
Gaya
nga nang nasabi na, nasa sabungero na rin kung gusto nitong pungusan o hindi
ang manok. Yamang pagdating sa pagpapalahi o pagsasabong ay may kanya-kanya
tayong sistema na sinusunod. Ang importante, epektibo ito sa iyo.
COMMENTS