Gaganapin ngayong araw (January 18) ang pinaka-highlights ng 2018 World Pitmasters...

Gaganapin ngayong araw (January 18) ang pinaka-highlights ng 2018 World Pitmasters Cup. Ito ay ang pagkakaroon ng Battle of Champions.
Dito ay ang magkakaroon ng 25-Cock Main kung saan maglalaban ang Pitmasters Group at San Roque BB Group. Kasabay din nito ang pagkakaroon ng one-day 6-Cock Big Event kung saan maglalaban-laban ang 84 entries. Ang naturang derbies ay magsisimula ng alas dos ng hapon. Gaganapin ito sa New Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.
Ang Pitmasters Group ay binubuo nina Atong Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddie Bong Plaza at Rj Mea. Samantalang ang San Roque BB Group naman ay binubuo nina Joey at Buboy Delos Santos, Bruce Brown, Nathan Jumper, John Bottoms, Steve Sanders, Kenny Randal, Greg Sosa, Randy Hall, Kini Kalawaii, Jeremy Hall at Joe Brown.
Ang 25 Cock Main na ang maituturing na pinalamalaking pa-derby sa bansa kung entry fee ang pag-uusapan dahil 5 million pesos ang bayad dito kada-koponan. Samantalang ang bet money naman ay 550 thousand pesos kada isang manok.
Ang event na ito ay naka-livestreaming sa www.sabongsports.com.
Panoorin ang video:
COMMENTS