Bilang sabungero, marami tayong isinaalang-alang kapag namimili ng manok na gagamitin na pang-mater...

Bilang sabungero, marami tayong isinaalang-alang kapag namimili ng manok na gagamitin na pang-materyales o panlaban man. Tinitingnan natin ang kabuuan ng katawan ng manok. Kumbaga sa tao, sinisipat natin mula paa hanggang ulo.
Sa manok, tinitingnan natin ang mata ng manok dahil posibleng malaman kung malusog ba ito o hindi. Sa paa o binti naman, sinisipat din natin itong mabuti dahil isa ito sa magdadala kapag inilaban na natin ang manok sa ruweda. Siyempre, kasama na rin natin sa tinitingnan ay ang buntot ng manok.
Ibabahagi ni Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm ang kanyang pamantayan pagdating sa pagtingin sa buntot ng manok.
Panoorin ang video:
COMMENTS