Si Robie Yu Panis at Janine Gonzales Dati-rati ay itinuturing ang sabong bilang laro ng kalalakihan. Pero sa paglipas ng pa...
![]() |
| Si Robie Yu Panis at Janine Gonzales |
Dati-rati ay itinuturing ang sabong bilang laro ng
kalalakihan. Pero sa paglipas ng panahon ay nagbago na ito.Pinapasok na rin
kasi ng kababaihan anng sabong matapos nilang maunawaan na maganda pala ang
isport na ito dahil sa kakaibang saya na dulot nito sa sinumang nagsasabong.
Kaya’t ‘di na dapat magtaka kung makakita man ng mga babae sa sabungan. Sila
ang nagsisilbing ‘charm’ o ‘glamour’ sa gitna ng mga tigasing sabungero. Lalo
nilang pinatitingkad ang dati nang makulay na mundo ng sabong.
Hindi
lang basta pinasok ng kababaihan ang larangan ng sabong, ang ilan din sa kanila
ay lumikha na ng pangalan. Nangunguna na sa ating listahan si Osang dela Cruz,
sadyang hindi matatawaran ang kanyang naging record dahil ilang ulit na siyang
nagkampeon sa mga laban na kanyang sinalihan. Kaya’t kung meron mang numero
unong iniidolo ang mga sabungera, siguradong siya ‘yun.
Siyempre,
nariyan din si Robie Yu Panis na nagsisilbing farm manager at mananari ng
Firebird Gamefarm na pagmamay-ari ng beteranong breeder na si Biboy Enriquez.
Marami ang humahanga kay Robie, hindi lang dahil sa kaaya-aya niyang hitsura
kundi dahil sa husay nitong magtari. Binansagan pa nga siya ng bilang prinsesa
ng tari. Kumbaga sa rosas, maganda mang tingnan ay matinik din pala. Pero kahit
sanay nang magtari, hindi pa rin nawawala sa kanya ang kaba kapag siya ay nasa
ibabaw ng ruweda. Kapag natatalo nga lang siya, doon na siya nakakaramdam ng
gigil. Hinihikayat ni Robie na subukin ding pasukin ng iba pang mga babae ang sabong para malaman
nila kung ano talaga ang mayroon dito.
Bukod
kay Robie, sikat na rin si Janine Gonzales. Mayroon din kasi itong taglay na charm at mahusay pang magmanok o
magsabong. Makikita nga na siya mismo ang nagbibitaw ng kanyang manok sa
sabungan. Ang pagmamanok o pagsasabong ay ‘di lang basta libangan para kay
Janine kundi isa rin itong negosyo. Kaya naman pinagkakakitaan niya rin ang
hilig niyang ito.
Nariyan
din si Rhona Bullecer na bata pa lang ay namulat na sa mundo ng sabong. Ang
kanya kasing tatay at mga kapatid na lalaki ay pawang nagsasabong. Madalas nga
siyang isama ng kanyang tatay noon sa sabungan. Hanggang sa kinalakihan na niya
ang hilig sa pagmamanok. Pero nakapagtayo na lang siya ng farm noong
makapagtrabaho na siya sa ibang bansa. Ang pagsasabong ang nagsisilbing bonding
ng kanyang pamilya. Hindi lang basta sabungera si Rhona kundi isa rin siyang
promoter sa isang sabungan sa Rizal.
Ilan
pa sa kakababaihan na inovolved sa sabong ay sina Regine Gonzales, isang
mananari mula sa Batangas, Janet Lufranco na isang propesa. Alexa regis ng Gamefowl
Breeders Association of Bohol (GBAB) at marami pang iba pa. Siguradong marami
pa sila. Marahil ilan sa kanila ay asawa ng sabungerpo o ‘di-kaya’y galing sa
pamilya ng mga magmamanok. Kung hindi naman kusa na lang nilang natuklasan ang
kagandahan ng sabong.
Ayon
sa mga sabungera na aming nakausap, hindi maiiwasan na mayroon manganagantiyaw
sa kanila kapag sila ay nasa sabungan.Hindi pa kasi tanggap ng iba ang mga
babaeng mananabong. Simple lang naman ang sagot nila rito,kung kaya ng lalaki
ay kaya rin naman ng mga babae. Sabi nga ni Ma’am Osang, “Manok lang naman ang
naglalaban dito, hindi tayo”. Saka mas iba raw ang hipo ng babae sa manok. Isa pa,
mas pasensyoso ang mga ito kumpara sa mga lalaki.
Kung
may mga hindi sang-ayon, siyempre meron din namang mga sumasaludo sa mga
sabungera. Kung tutuusin nga raw, masuwerte
ang isang sabungero kapag ang asawa ay mahilig din sa manok dahil wala
na silang kailangang pagtalunan pa. Hindi kaila sa atin na ang asawa ng ilang
sabungero ay kontra sa kanilang pagmamanok. Nauunawaan nila na ang sabong ay
wala namang pinipiling kasarian, mapa-babae man o lalaki. Kahit pa ang mga
tinatawag na kasapi ng ikatlong kasarian ay welcome rin. Sabi nga ni Robie
Panis, ‘Mas marami, mas maganda ‘. Ngayon, sino ang magsasabi na hindi puwede ang
kababaihan sa sabong?

COMMENTS