Photo via Pinterest Kung manok na iba-iba ang kulay ang gusto mo, marahil ay kursunada mo ang Blues o ng Abuhin. Mayroon ...
![]() |
| Photo via Pinterest |
Sinasabing
maraming breeder ang nagdebelop ng Blues. Isa na sa mga kinikilalang nagpalahi ng
strain na ito ay si W.S. Church na nagpalahi nang tinatawag na Carolina Blues. Taong 1908 pa nang una niya itong dinebelop. Galing
ito sa Pyle na blue red straight comb at peacomb.
Sumikat
din ang Smith Blues ni Dave Smith. Nakuha niya ang manok niyang ito sa kanyang
tiyuhin na si Dr. J.H. Love. Kumbinasyon ito ng Arkansas Traveler at Allen Roundhead. Kinakitaan ng galing ang manok niyang ito
dahil mabilis kumilos at magaling ding mag-cut.
Nakilala
rin ang Typewriter Blues ng mahistradong si Ed Wilkens. Nakuha niya ito mula
kay Captain Oakley Blues. Binigyan siya nito ng tatlong inahin na tinatawag na
Oakley Blues. Noong una ay ‘di pa niya kursunada ang Blues. Mahilig kasi siya
sa pulang manok. Kakatayin na nga sana niya ang Blues na lalaki dahil inakala
niyang may depekto ang manok na ganito ang kulay. Nang malaman ng anak niya ang
kanyang plano ay inarbor niya ito sa kanya. Minsan ay inilaban ng anak ni Ed
ang Blues at nagalingan siya sa performance na ipinakita nito. Buhat noon ay
nagbago ang kanyang pananaw hinggil sa
Blues. Tinawag niyang Typewriter Blues ang manok niyang ito dahil parang
makinilya ang tunog na naipuprodyus nito.
Nariyan
din ang tinatawag na Straight Comb Blues ni Nick Vipond ng Straton, Illonois Ang
manok niyang ito ay straight comb at galing ng Ireland. Mayroong may pagka-blue
at mayroon din namang may pagkapula ang balahibo. May white legged at mayroon
ding dark legged. Ang white legged ay may mapulang mata habang ang dark legged
naman ay may maputing mata. Pinaghahalo niya lang ang mga ito sa isa’t isa.
Ilan lang sa nabahaginan niya ng kanyang Blues ay si George Hasel at Lloyd
Miner na nakilala dahil sa bloodline nito na Miner Blues. Hanggang ngayon ang
Miner Blues ay sikat pa rin dahil patuloy pa rin itong pinag-uusapan ng
mga sabungero sa kanilang kuwetuhan o ‘di-kaya’y
sa forum sa internet.
Dito
sa Pilipinas ay marami ring mga nagpapalahi ng Blues. Ilan lang sa mga kilalang
breeder na sikat sa bloodline na ito ay ang magkapatid na sina Lino at Lito
Mariano. Ang manok nila ay tinatawag na Matutum Blues. Limang pamilya ng
Sweaters ang kanilang pinagsama-sama para mabuo ang kanilang Blues. Kung
maglaro raw ito ay multiple shuffler.
Banggitin
na rin natin ang Mitra Blues ni Baham Mitra. Ang manok niyang ito ay minana pa
niya mula sa kanyang nasirang ama na si House Speaker Ramon Mitra. Ag Mitra
Blues ay lumikha ng ingay noong dekada ’80 dahil nagpapanalo ito sa sabong. Ang
maganda hanggang ngayon diumano ay consistent pa rin ang performance nito.
Maging
si Dennis de Asis ng WDA-DDA Gamefarm na nakabase sa Bacolod ay nagpapalahi rin
ng Blues. Iniregalo lang ito sa kanya ng isang mentor. Noong una ay ‘di niya
kursunada ang manok na ito, ginagawa niya lang pangulay sa farm at sa stag derby. Mayroon siyang suki na
mahilig sa Blues at sinuwerte dahil sa manok na ito. Kaya naman patuloy siyang
nagpapalahi ng Blues. Ang original Blues diumano ay magandang mag-cut, pero
paangat-angat lang at kulang sa tapang. Pero nang inihalo niya ito sa Hatch ay nag-iba
ito. Naging matapang ito at nagkaroon ng gigil. Sa madaling salita ay gumanda
ang laro ng kanyang Blues.
Isa
pa sa nagpapalahi ng Blues sa atin ay si Norman Rañon ng Nueva Viscaya. Ang
kanyang manok ay tinatawag na Viscaya Blues o kilala rin sa Super Blues.
Kumbinasyon ito ng Sweater, Hatch at ng Kelso. Ayon sa kanya ay mautak ang
kanyang Blues dahil ‘di basta-basta nagpapauna sa kalaban. Kapag pumalo may
paglalagyan ang kalaban.
Ikaw kasabong, trip mo rin ba ang Blues?

COMMENTS