Ang mga sabungero ay talagang minamahal ang kanilang manok. Inaalagaan ito nang husto...

Ang mga sabungero ay talagang minamahal ang kanilang manok. Inaalagaan ito nang husto at binibigay ang lahat ng pangangailangan para masigurong magiging malusog ito at malayo sa sakit. Kaya naman sa oras ng kalamidad ang una agad naiisip ay iligtas ang manok-panabong.
Ang masakit nga lang minsan, ang nagiging kapalit nito ay ang buhay nag may-ari ng manok. Gaya nang nangyari sa isang magmamanok na tumawid pa rin ng ilog kahit malakas ang agos ng tubig . Malakas daw kasi ang ulan kaya’t nagmamadali at gusto nitong makauwi para tingnan ang mga alagang manok-panabong. Sa kasamaang-palad ay tinangay siya ng agos ng baha. Nangyari ang trahedya sa Iriga, Camarines Sur, sa kasagsagan ng bagyong Urduja.
Isang sabungero naman na nagngangalang Ruben Cuevas Balino ng
Tagum ang nagpakita rin ng pagmamahal sa kanyang mga alagang-manok. Nakuhanan
siya ng video na nakalubog sa baha na halos umabot na sa kanyang leeg. Ayon sa
kanyang post, iniligtas niya ang kanyang stag at cock. Pero 21 heads ang
namatay sa kanyang mga manok.
Ikaw
kasabong, ililigtas mo rin ba ang iyong mga manok kahit mataas pa ang baha na
iyong susuungin?
COMMENTS